86

Dec 30, 2017 @ 14:06
By

Lolo ginulpi sa away sa lupa

Nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan ang isang lolo nang gulpihin ng isa sa kanyang kaanak dahil sa away sa lupa sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-kuwatro ng hapon naganap ang insidente sa kahabaan ng M. Jose Street, Barangay Tangos, nakikipag-usap sa ina ng suspek na si Rolly Antinio, 36-anyos, jobless, ng nasabi ring lugar, ang bikimang si Bert Aquira, 65, negosyante.

Pinag-uusapan nila puwedeng gawin sa lupa na kanilang pagmamay-ari at nang magkasundo na ang dalawa ay nagpasya ang biktima na umalis na, ngunit inaabangan na pala siya ng suspek sa labas ng bahay at nang makasalubong niya ito ay bigla siyang pinagsusuntok at pinagtatadyakan.

Dahil sa hindi maawat sa panggugulpi kay Aquira ay humingi na ng tulong sa barangay ang mga umawat ngunit nakatakas agad si Antinio.

Naisugod naman sa Navotas City Medical Center ang biktima na kasalukuyan pang inoobserbahan ang kalagayan.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek at nasa kustodiya na ng Navotas City Police. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?