211

Dec 4, 2021 @ 9:36
By

Lolo dedo matapos pagtatagain, pugutan ng ulo ng sariling apo

Nasawi ang isang matandang lalaki matapos itong pagtatagain atsaka pinugutan ng ulo ng sariling apo.

Ayon sa mga pulisya, nakita ng isang residente ang bangkay ng matanda na si Elpidio Alilang, 62, nitong Biyernes ng umaga, sa bayan ng Sigma sa Capiz.

Batay sa imbestigasyon, dumalo ng birthday celebration ang biktima kasama ang apo nito at doon nag-inuman.

Ilang oras ang nakalipas, nagpaalam na uuwi na ang apo at ilang minuto lang umuwi na rin si Alilang.

Pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada, doon na inundayan ng saksak ng 17-anyos na apo ang kaniyang lolo hanggang sa maputol ang ulo nito.

Napag-alaman ng mga awtoridad na dati na palang may alitan ang mag-lolo matapos pagbintangan ng biktima na magnanakaw ang suspek.

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na mabilis tumakas pagkatapos ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?