171

Aug 24, 2019 @ 12:13
By

Lolo dakma sa pagpukpok ng dos por dos sa apo

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang siyam-na-taong gulang na babae matapos siyang hatawin ng kahoy sa ulo ng kanyang sariling lolo sa bayan ng Pinili, Ilocos, Norte kahapon, Agosto 23.

Ang biktima, na hindi pinangalanan, ay dumaan sa medical operation dahil sa tindi ng tama ng kahoy.

Samantala, ayon sa Pinili Police Station (PPS), nakiusap ang kamag-anak na huwag na lang banggitin ang pagkakakilalan ng 42-anyos na suspek.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni PPS officer P/Capt. Jefthre Taccad na ang suspek ay lasing umano nang mangyari ang insidente.

“Noong time po na naaresto itong suspek natin eh talagang lasing na lasing siya,” ani Taccad.

Nag-ugat umnano ang paghataw ng suspek sa kanyang apo nang hindi nagpaalam ang bata na lalabas ito ng bahay. Nang dumating ang biktima, biglang kumuha ng dos-por-dos na kahoy at biglang hinampas sa ulo ng 9-anyos na biktima.

Ayon sa magulang ng bata, nawalan ito ng malay kaya agad nila itong sinugod sa malapit na pagamutan.

“Base po sa doktora, nagtamo po siya (biktima) ng 9 stitches po,” sabi ng opisyal.

Laking-sisi umano ng suspek sa ginawa sa apo. Nakakulong ngayon ang suspek sa PPS detention cell at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?