41

Sep 30, 2019 @ 12:24
By

Lolo bumangga sa bakod ng bahay sa Cagayan

Patay ang isang lalaking senior citizen matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa konkretong bakod sa bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Linggo.

Kinilala ng Gonzaga Police Station (GPS) ang biktimang si Severo Guira, 68, ng Barangay Calayan ng nasabing bayan.

Sa report ng GPS, binabagtas ng biktima ang kasada ng Barangay Paradise nang mawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng napunta siya sa bandang kanan ng lansangan hanggang sa humampas siya sa konkretong bakod ng isang bahay.

Dahil sa lakas ng impact, humataw ang ulo nito nag nagtamo ay malalalim na sugat at bone fracture sa kanyang katawan.

Dali-daling sinugod sa ospital ang biktima ngunit siya ay dead-on-arrival, ayon sa mga doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?