437
abante-tnt-vismin-killer
By

Lolo binaril ang apo, asawa sa mental

Pinaslang ng isang 80-anyos na lolo ang kanyang pamilya sa loob ng National Center for Mental Health sa Mandaluyong City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang pamamaril ng matanda sa Ward 1, Pavillion 6 bandang alas-dos ng hapon.

Saad ng mga nasa pangyayari, nag-uusap ang tatlo nang biglang dumukot ng baril ang lolo at pinaputukan ang kanyang 27-anyos na apo na pasyente sa nasabing establisimiyento, at ang kanyang 78-anyos na asawa.

Narekober ng mga pulis ang isang kalibre 45 pistol, magazine, limang shell at tatlong slug.

Hindi naman ipinabatid ng awtoridad ang pagkakilanlan ng tatlo dahil sa nature ng insidente.

“We are saddened by the tragic event that unfolded at the National Center for Mental Health (NCMH) and we offer our condolences to the family of the victims,” ayon sa statement ng Department of Health.

“Due to the sensitivities of the issue involving the patient, we ask for privacy for the bereaved family.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?