13

By

Lolo agaw-buhay sa panggugulpi ng barker

Sharing is caring!

Isang 64-anyos na jeepney dispatcher ang nag-agaw-buhay matapos na walang awang gulpihin ng isang barker na nakaalitan niya sa Lungsod ng Malabon.

Sa ulat ni Malabon City Police chief Senior Supt. Jessie Tamayao ay ganap umanong alas-sais pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Malabon City Square na matatagpuan sa Letre na sakop ng Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nagdi-dispatch ng mga jeep ang biktimang si Susimo Obiano, 64-anyos, ng Block 3 Kadima Letre Road, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod nang biglang dumating ang suspek na si Jeff Escranda, 28-anyos, barker ng Block 2 Damata ng parehong lugar at walang ano-anong sitahin siya sa kanyang ginagawa sa hindi pa nalalamang dahilan.

Doon na nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawa hanggang sa bigla na lamang na pagsasapukin ng suspek ang biktima sa ulo nito, nang mahilo-hilo na ang walang kalaban- laban na matanda at tila hindi pa nakontento ang biktima at nagtuloy-tuloy pa rin sa pangugulpi sa biktima hanggang sa bumagsak na ito at mawalan ng malay.

Matapos ang insidente ay agad ding tumakas ang salarin habang mabilis ding nasaklolohan ng isang concerned driver ng pampasahero ding jeep ang biktima at isinugod sa Tondo Medical Center na ngayon ay nasa kritikal pa ring kondisyon.

Agad namang nakaresponde at nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Malabon City Police Community Precinct (PCP) 3 sa pamumuno ni P/SInsp. Carlos Cosme na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspekna nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide at nasa kustodiya na rin ng Malabon City detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?