46

Nov 17, 2019 @ 17:19
By

Lolo, 3 pa dampot sa bentahan ng P204K shabu

Swak sa piitan ang isang Lolo at tatlo nitong kasama sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang lolo na si Mario Lacap, 61, ng Caloocan City at mga kasama na sina Flordeliza Dimaano, 54; Peejay Dela Cruz, 39, kapwa ng Brgy. Unang Sigaw at Fritz Dimaano, 29 ng Brgy. Baesa, QC.

Ang apat ay nadakip dakong ala-6:30 ng gabi (November 17) sa Balintawak overpass, Brgy. Unang Sigaw, ng nasabing lungsod.

Si Lacap at Flordeliza ay dati ng may kinakaharap na drug case at nang makumpirma ng mga awtoridad na muli silang bumalik sa kanilang pagbebenta ng droga kaya isinagawa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakuha mula sa mga suspek ang P4,500 na buy bust money, 10 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang apat sa detention facility ng QCPD ay nahaharap ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?