111

Nov 6, 2017 @ 10:33

Lolo, 1 pa kulong sa pagnakaw ng medyas

Nang dahil lamang sa medyas na nagkakahalaga ng P99, sa kulungan ang naging bagsak ng isang lolo at ng babaeng kasamahan nito makaraang mag-shoplift sa isang mall sa Recto, Maynila mag-a-alas-siyete ng gabi.

Nakilala ang mga nagnakaw na si Bienvenido Franilla, 73-anyos, walang trabaho at kasamahan nitong si Catherine Audencial, kapwa nakatira sa No. 900 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa security guard ng mall na si Lovenyl Retuerto, nahuli niya ang dalawa na palabas ng mall na walang dalang resibo.

Agad na dinala sa security office ng mall ang dalawa makaraang walang maipakitang ebidensiya na binayaran nila ang medyas saka idiniretso sa Plaza Miranda Police Community Precinct.

Sa ngayon ay nasa Manila Police Station 3 na ang mga ito at mahaharap sa kasong theft. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?