136

By

Lolit Solis sa paglipat ni Regine: Paikot-ikot lang sa showbiz

Sharing is caring!

Nagsalita na ang kilalang talent handler/manager na si Lolit Solis sa paglipat ni ‘Asia’s Songbird’ Regine Velasquez mula GMA-7 patungong ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Lolit na hindi na dapat umano palakihin ang isyu dahil natural naman sa mga artista ang paglilipat-bakod.

“Sobra naman ang reaction sa lipatan ng mga artista, Salve. At latest nga dito iyon paglipat ni Regine Velasquez sa Channel 2 mula sa GMA 7. Kung maraming stars ang lumilipat, hindi ibig sabihin discontented sila. Hindi rin ibig sabihin meron silang hindi gusto,” saad ng dating talk show host.

Sinabi pa ni Solis na dahil sa paglipat ni Regine, maaari nang umusbong ang mga bagong singer ng Kapuso Network, habang mag-eenjoy naman ang mga fan sa posibleng maging collaboration ni Regine kina Sarah Geronimo o Sharon Cuneta.

“Times are changing, kailangan din mabago ang eksena, hindi puwede ganun lang nang ganuon ang paninda mo na ibibigay sa televiewers kaya all the chances kinukuha mo. Gusto lumipat nito, ok go. Gusto niya pumasok dito, ok tanggapin. Paikot-ikot lang naman,” pahayag pa ng talent manager.

Dapat din umanong tingnan ang nangyari sa mister mismo ni Regine na si Ogie Alcasid, na mula siyete ay nalipat sa TV5, at ngayon ay nasa Kapamilya Network na, ngunit wala naman umanong naging problema sa paglipat ng singer.

“Wala naman permanente, lahat nagbabago. So why hang on to something kung may iba ka naman chances, at why stop one who like to go? Tuloy ang buhay.” panapos ni Solis/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?