64

By

Lolit Solis, binigyan ng mamahaling regalo ni Jinkee Pacquiao

Sharing is caring!

Todo ang papuri ni Lolit Solis sa misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee dahil sa kabaitan umano ng huli.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Lolit na binigyan siya ng libreng tiket ni Jinkee para sa nalalapit na laban ni Manny kay Adrien Broner sa Linggo sa Las Vegas.

Aniya, mula umano nang makilala niya si Jinkee, ay hindi nagbago ang ugali nito hanggang ngayon.

“Ang bait talaga ni Mama Jinkee at kahit kumakain yata sinagot ang phone na binigay ni Bernard at kinausap ako. Binati ko siya ng happy birthday at tuwang-tuwa siya na manunood tayo tinanong niya agad kung ilan tiket ang kailangan natin. Bongga talaga sa kabaitan si mama Jinkee mula nung nakilala ko siya up to now hindi siya nagbabago,” ani Lolit sa caption.

View this post on Instagram

Naku Salve ha, birthday ni Mama Jinkee at kambal niyang si Janet at siyempre dahil kasama nila si Bernard Cloma nakapag usap kami ni Mama Jinkee Pacquiao. Ang bait talaga ni Mama Jinkee at kahit kumakain yata sinagot ang phone na binigay ni Bernard at kinausap ako. Binati ko siya ng happy birthday at tuwang-tuwa siya na manunood tayo tinanong niya agad kung ilan tiket ang kailangan natin. Bongga talaga sa kabaitan si mama Jinkee mula nung nakilala ko siya up to now hindi siya nagbabago. At salamat uli kay Bernard at nakausap ko si Mama Jinkee. Happy birthday and goodluck kay Papa Manny sa fight. Knockout mo agad papa Manny hah hah kayang-kaya. #lolitkulit #instatalk #71naako ❤️ @bcloma @jinkeepacquiao

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Binati rin nito si Jinkee at kakambal na si Janet dahil birthday ng mga ito nitong Enero.

“Happy birthday and goodluck kay Papa Manny sa fight. Knockout mo agad papa Manny hah hah kayang-kaya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?