25

Jun 24, 2022 @ 16:49

Lolit Solis banta kay Bea: Tignan ang level ng career bago mag feeling superstar

Muling inokray ni Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo ukol umano sa pagpa-power trip ng aktres.

Sa Instagram, sinabi ni Solis na ngangamba siyang muling kanselahin ni Bea sa nalalapit na anibersaryo ng GMA Kapuso Network.

“Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7,” maanghang na tirada ni Solis.

Inabisuhan na rin niya ang aktres na hindi umano siya pupunta sa naturang event, kaya marapat lang na um-attend si Bea.

Pang-ookray pa nito: “Punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars.At please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura.”

Sa huli, pinagsabihan din ng kolumnista si Bea na huwag umano magpa-cancel ng mga manunulat sa isang event at huwag mag-feeling superstar.

“Sana ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo mga invited guests. Pero iyon hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag aalis ng writers, bongga!Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?