838

Sep 2, 2021 @ 17:41
By

Lolit pinagtanggol si Paolo Contis, kinuyog

Hindi natuwa ang mga netizen sa pagdepensa ni showbiz columnist Lolit Solis sa alaga niyang si Paolo Contis.

Sa Instagram post, sinabi ni Lolit na hindi lang si LJ Reyes ang hurting sa hiwalayan nila ni Paolo.

“Iyon broken relationship hindi lang ang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling,” ani Lolit.

“Ayaw nila na malaman in pain sila, iyon false machismo kadalasan na para bang pag lalaki dapat stronger. Dapat mas matapang sa pagtanggap ng nasirang relasyon. At kadalasan, para walang masabi na they will regret later, tumatahimik na lang sila,” patuloy niya.

“I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal din ang naging relasyon nila, nagkaruon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila. Imposible na hindi sila parehong nasaktan,” dagdag niya.

Hiling ni Lolit na sana ay wala raw “bitterness” na mamagitan kina LJ at Paolo, at maging friends pa rin para sa anak na si Summer.

“Nasaktan sila pareho, puwedeng mas sumuko ang isa at hindi nakaya, pero sana iyon naging pagmamahal nila sa isa’t isa ang maging lasting memory para narin kay Summer.

“Puwede naman hiwalay kayo, pero nandun parin sa mga puso nyo ang pagmamahal, dahil nga hindi naman siguro magkakaruon ng isang Summer kung wala ang love.

“So sad for Paolo and LJ. It was not meant to be, pero sana makatagpo pa sila pareho ng happiness in their journey. Let Summer be the sunshine in their life. Sana maging friends parin sila.”

Sa comment section, marami ang rumesbak laban kay Lolit:

gorgeous_jlo: “I don’t think Paolo is in pain ang affected. Kahit hindi sabihin, sya ang umayaw kay LJ dahil may third party. Lalabas din ang totoo. Sana kahit alaga mo si Paolo fair ka sa pagbibigay ng opinyon. I don’t think your post was your opinion. Suma-side ka pa din kay Paolo where in fact very obvious na si Paolo ang may problema kaya sila nagkahiwalay.”

hotmommy_lyn26: “Syempre mawawala commission nya kay Paolo napanood ko ung interview Sobra nga nasaktan ung girl at least masmabuti na ung lumayo si girl para sa mga bata na din.”

@gorgeous_jlo: “Sana wag na lang sanang kunsintihin. May anak syang babae. I don’t know what Lolit would feel if sa anak nya mangyari ‘yan.”

Bingaf: “Sa nakita ko sa interview, Paolo did it again. From lian to LJ. Papanong na hurt din si Paolo di na nga nya inaccept si LJ and kids when she tried to return to him di ba. Ah history repeat itself. Kawawa mga babaeng iniwan nya. And mga anak.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?