79
lolit-solis
Oct 13, 2021 @ 16:27

Lolit pahiya kay Mikee: I dont deserve respect

Matapos ang pagbubunyag na nakunan umano si Alex Gonzaga, nanghingi nang dispensa si Lolit Solis sa mag-asawang Morada.

Sa pahayag ng talent manager at showbiz columnist, sinabi niya na wala siyang intensyon na saktan ang sinoman.

“Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance ? Hindi ko talaga makuha ang logic,” paunang pahayag ni Lolit.

https://www.instagram.com/p/CU6Sin3PxyX/?utm_source=ig_web_copy_link

“Ako si Lolita Solis na gusto gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito?” pagpapatuloy niya.

Anang 74 anyos na TV host, na-appreciate niya ang marespetong pagtugon ng mister ni Alex na si Mikee sa kanyang controversial post.

“Wala akong intention to hurt or cause pain. So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband,” sey niya.

“If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa,” dagadg pa niya.

“For the people na sobra naman negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita nyo rin how Alex Gonzaga husband handled the matter.”

Samantala, may hirit namna si Lolit sa kaniyang mga “sqautter” na bashers.

“Sana , bashers can use more respectable words, puwede naman magalit ng sosyal parin ang dating, mukhang edukado parin.

Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganuon din di ba ? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko,” hirit niya.

“Tanggap ko narin, sabi nga nila , I don’t deserve respect , pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila.”

“Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang mga bashers ko, bow !!” sambit niya.

Matatandaang nito lamang linggo nang ‘ibuko’ niya ang Youtube vlogger sa isa niya ring IG post.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin,” ani Lolit.

https://www.instagram.com/p/CUydx6dtJvM/?utm_medium=copy_link

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa,” pagbubunyag niya. (VA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mister-ni-alex-gonzaga-rumesbak-sa-tsismis-ni-lolit/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?