378

Jan 4, 2020 @ 20:10
By

Lolit nanghinayang sa hiwalayang JaDine

Nag-react ang entertainment writer na si Lolit Solis sa balitang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre.

Nanghihinayang si Lolit kung totoong nabuwag na nga ang JaDine dahil bagay na bagay daw ang dalawa at masuwerte ang team-up ng mga ito.

Baka raw maliit na kaso lang ito ng hindi pagkakaunawaan at puwede pang maayos.

Kaya lang, mahirap na raw pagsamahin ang dalawa dahil hindi na contract star ng Viva si James.

“Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Lustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin, maliban sa tv project dahil pareho pa rin sila ABS. Naku sana naman maayos ang lahat para sa Jadine para hindi mabuwag ang loveteam nila, sayang,” emote ni Lolit.

View this post on Instagram

Sobra reaction ng mga fans ng Jadine sa balitang hiwalayan nila Salve. Alam mo, para sa akin bagay na bagay ang dalawa, saka maganda kumbinasyon nila at suwerte naman team up nila ng magkasama sila. Baka naman isa lang itong case ng small misunderstanding at puwede pa maayos at magkabalikan muli kung tutoo man naghiwalay. Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Ilustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin, maliban sa tv project dahil pareho pa rin sila ABS. Naku sana naman maayos ang lahat para sa Jadine para hindi mabuwag ang loveteam nila, sayang din. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?