454

Aug 25, 2021 @ 16:15
By

Lolit naloka sa pasabog ni Janus vs Gerald: Reveal talaga iyong kay Pia

Naloka si Lolit Solis sa mga ganap sa buhay ni Gerald Anderson.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na patama ni Janus del Prado sa Instagram, kung saan naniniwala ang netizens na si Gerald ang pinatutungkulan.

Sa isang post, nilantad ni Janus na may “milagro” na ginawa sina Gerald at Pia Wurtzbach sa set ng “My Perfect You”.

Narito ang buong IG post ni Lolit:

“Kaloka naman ang mga ganap sa buhay ni Gerald Anderson, Salve. Pati si Janus del Prado kasali na sa casting, hah hah. Mula ng break up nila ni Bea Alonzo, hanggang ngayon, talagang hindi natapos ang ending ng script ng buhay niya.

“Ngayon naman, heto nga at pati si Janus kasali na sa kuwento. Tutoo pala na meron din naging chapter na Gerald at Pia Wurtzbach nang gumagawa sila ng movie. Kalokah na unti unting lumalabas mga flashback huh! Parang napaka exciting ng buhay ni Gerald Anderson dahil ang dami ng casting.

“Siguro naman secure si Julia Barretto sa lovelife nila at hindi apektado sa mga bagong issue na lumalabas. At reveal talaga iyon kay Pia dahil parang isang quickie romance on the set lang diumano ang nangyari dahil that time sila Gerald at Bea Alonzo parin ayon sa mga post ni Janus.

“Bongga ha, ang galing ni Gerald Anderson, lady killer talaga ang dating. Nagagawa niya lahat ng secret at lumalabas lang pag may pumiyok. Hah hah, hanga na ako talaga sa magic ng charms ni Gerald. Talagang matinik, walang paltos.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?