315

Jun 23, 2022 @ 21:37
By

Lolit muling nagpatutsada kay Bea: Feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA

Hindi pa rin tinatantanan ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo.

Panibagong patutsada ang binitawan niya.

Sa Instagram, sinabi ni Lolit na invited siya sa anniversary ng GMA 7 pero hindi na raw siya pupunta dahil baka mag-power play na naman umano ang aktres at sabihing hindi ito dadalo kapag nandoon siya.

“Baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7. Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista. Baka mag power play at sabihin hindi siya pupunta kung nanduon tayo,” ani Lolit.

“Kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah,” dagdag niya.

Kamakailan lamang ay binira niya si Bea at sinabing nagtatagal ang aktres sa make-up room dahil kailangan pa umanong takpan ang mga wrinkles nito para hindi mahalata ang edad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?