2,125

Aug 20, 2021 @ 19:34
By

Lolit isiniwalat, Mark Herras lubog sa cash advance

Umayaw na si Lolit Solis bilang talent manager ni Mark Herras.

Sa kanyang Instagram post, ibinunyag din ni Lolit ang tungkol sa malaking cash advance ni Mark sa GMA na binabayaran nito hanggang ngayon.

“Gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras. Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya. After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya eversince,” ani Lolit.

“At para narin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya,” dagdag niya.

Sa kabila nito ay anak pa rin aniya ang turing niya kay Mark at umaasang maaayos ng network ang career at buhay ng aktor.

“Iyon pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon iyon parin ang gusto ko sabihin sa kanya. Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon, at siguro duon sa mga nagpapakita ng malasakit sa kanya, magawan nyo ng paraan maayos ang finances niya, career niya, at buhay niya.

“Basta starting today, OUT muna ako kay Mark Herras. Andyan naman ang Artists Center para alagaan siya, at sana magtagumpay sila. Goodluck, wish you well Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe,” sambit ni Lolit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?