104

Aug 30, 2021 @ 20:48
By

Lolit binaha ng ayuda ni Gretchen Barretto

Super thank you ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa mga pa-ayuda ni Gretchen Barretto.

Sey ni Lolit, mga imported canned goods na hindi tinipid at bigas ang ayuda sa kanya ni La Greta.

“Tumutulo ang bubong, nasira ang ilaw sa garahe, naku talagang buhay very poor ang feeling ko. Heto na, dumating ang ayuda bigas at mga delata ni Ms. Gretchen Barretto ha, 7pm lang pero walang ilaw ang garahe at ang dilim dilim,” kuwento ni Lolit.

“Huh huh, Salve at Gorgy, ipaabot nyo ang malaking Thank You ko kay Gretchen Barretto na isinali ako sa listahan ng binigyan niya ng ayuda na in fairness ha, mga imported canned goods na hindi tipid, talagang marami.

“Plus bongga ang bigas, top of the line at class A. Bait ng Gretchen dahil binalikan ang mga nakasama niya sa mundo ng showbiz, talagang give love siya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?