33

Jan 8, 2022 @ 10:18
By

Lolit badtrip kay ‘Poblacion Girl’: Ang dami niyang dinamay!

Inis ang showbiz columnist na si Lolit Solis kay “Poblacion Girl”, ang babaeng imbes mag-quarantine sa hotel ay naki-party at nanghawa pa ng COVID-19.

Naawa rin si Lolit sa mga nawalan ng trabaho matapos maipasara ang Berjaya Hotel dahil sa ginawa ni “Poblacion Girl”, na nagngangalang Gwyneth Chua.

“Ang dami niyang dinamay sa kagagahan niya. Kawawa din ang mga mawawalan ng trabaho sa Berjaya Hotel dahil ipinasara ito, iyon mga nahawahan niya dahil positive siya sa covid, perwisyo din,” sambit ni Lolit sa Instagram post.

“Malaking responsibilidad para sa bawat isa ang dapat mangyari pag alam mo na positive ka. Sana naman binuo na lang niya ang quarantine period niya at nagtiis ng ilang araw lang naman. Malaking kasalanan itinuturing ngayon na maging cause ka ng pagdami ng cases ng covid. Iyon idamay mo pa ang marami, maawa ka naman.

“Naisip mo lang na sa panahon ngayon mawalan ng trabaho, ang laki ng problema, tapos idagdag mo pa na magkasakit ka. Sana wala ng maging kasunod si Poblacion Girl. Konting tiis lang, sakripisyo para maayos natin lahat itong mga nangyayari sa atin. Pag ayos na kalagayan mo, hindi lang sa poblasyon ka makararating, sa lahat puwede ka na. Ingat ingat lang,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?