22
shabu-2
By

Lolang tulak ng shabu nasukol sa Binondo

Sharing is caring!

Dalawang kilabot na drug pusher, kabilang ang isang lola, ang inaresto sa isang buy-bust operation sa Binondo, Maynila Miyerkules ng umaga.

Naganap ang pag-aresto sa mga suspek na sina Carmelita Gonzales, 60 anyos at Joel Penafiel,43 anyos, sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Meisic Police Station-11 pasado alas 11:40 ng Miyerkules, Ika-2 ng Mayo.

Nabawi sa mga suspek ang 2 plastic sachet ng shabu at 2 piraso ng 100 peso bill.

Samantala, huli din ng operatiba ng Pandacan Police Station-10 ang suspek na si Joel Delos Santos, 48 anyos.

Si Santos ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Kasong paglabag sa illegal possession Of Dangerous Drugs ang iaasunto ng Pandacan Police Station-10 ng MPD laban sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?