288

Lolang nakulong mas matanda kay Imelda! – sigaw ng mga netizen

Sharing is caring!

Usap-usapan sa social media ang isang post sa Facebook tungkol sa 94-taong gulang na si Flaviana Sagapsanan.

Ikinukumpara ang Lola na ‘di hamak na mas matanda pa raw kay dating first lady Imelda Marcos ngunit agad itong ikinulong matapos arestuhin sa kasong pagpatay sa sarili nitong anak.

Giit pa ng nag-post, wala umanong koneksyon sa gobyerno ang matanda kaya agad itong pinagsuot ng damit pang preso, kinuhaan ng mug shot, at ikinulong noong Agosto 7, 2018.

Samantala ayon sa kanila si Imelda Marcos ay hindi maikulong-kulong dahil iginigiit ng PNP at ni Senador Cynthia Villar na matanda na umano si Marcos at hindi na kakayaning makulong sa edad na 89.

Umani ng mga komento mula sa iba’t ibang panig ang naturang Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?