96

By

Lolang nakiramay, uuwing bangkay

Sharing is caring!

Isang matandang babae naman ngayon na kakagaling pa man din sa libing ng kanyang kapatid ang patay matapos na tadtarin ng bala sa ulo ng isang lalaki sa hindi pa malaman na kadahilanan sa Lungsod ng Malabon.

Sa ulat ng Malabon City Police Community Precint (PCP) V ay ganap umanong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Bonifacio Street corner C. Arellano Extension, Barangay Flores ng nasabing lungsod, kasalukuyan umano noong papauwi na sana galing sa libing ng kanyang kapatid ang biktimang si Lucila Santos – Marasigan, 64 anyos, may asawa, ahente ng parehong lugar at naglalakad kasama ang kanyang step daughter na si Anna Virrey-Marasigan nang lapitan siya mula sa kanyang likuran ng suspek na si Wilfredo Patola, Alyas Laki, 31-anyos, binata ng Gulayan Street, Sto. Niño, Barangay Catmon at walang habas na pagbabarilin sa likuran ng kanyang ulo.

Matapos ang insidente ay agad ding tumakas ang suspek bitbit ang baril na kanyang ginamit at sumakay sa isang nakaparadang motorsiklo sa pinaharurot itong patungo sa binabaybay ng P. Aquino, Barangay Tonsuya ng parehong lungsod, agad namang nakahingi ng saklolo ang kasama ng matanda sa himpilan ng PCP 5 na mabilis ding nakaresponde ngunit bigong maabutan pa ang salarin.

Hindi na rin pinalad pang mabuhay ang biktima nang maisugod sa Tondo Medical Center at idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Roberto Atienza, narecover naman ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ang ilang fired cartridge cases ng .45 caliber na baril na sasailalim sa ballistic at cross examination, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa kung anong kaugnayan ng suspek sa biktima at anong posibleng motibo nito sa pagpatay sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?