8

Oct 10, 2020 @ 16:41
By

Lola tumawid sa highway, tigok

Nasawi ang isang 67-anyos na babae matapos mabundol ng humaharurot na motorsiklo sa highway sa Infanta, Quezon, Biyernes ng gabi.

Sa ulat, kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Alicia Nolledo.

Nabangga siya ng motorsiklong minamaneho ni Noriel Vargas habang tumatawid sa Barangay Binulasan bandang alas-10:35 ng gabi.

Kapwa sugatan sina Vargas at Nolledo, at dinala sa Claro M. Recto Hospital pero pumanaw ang huli habang sinusugod sa naturang ospital.

Inamin ni Vargas na hindi niya napansin ang biktima na tumatawid dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?