114

Jan 2, 2018 @ 19:40
By

Lola sugatan nang masapul ng ‘stray bullet’ sa Cubao

Sugatan ang 80-anyos na lola makaraang tamaan ng ligaw na bala nang walang pakundanang magpapaputok ng baril ang isang negosyante sa Cubao, Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Edmund Barber, nasa hustong gulang, ‘licence gun owner’ at nakatira sa New York Avenue, Cubao, ng nasabing lungsod.

Dahil sa pagpapaputok ni Barber ay tinamaan ng bala ang kapitbahay na si Patria Aliwalas 80-anyos. Ang biktima ay ginagamot sa East Avenue, Medical Center hospital nang masapol sa braso ng ‘stray bullet.’.

Ayon sa report, lasing umano si Barber noong walang pakundangan na magpaputok ng kanyang baril dakong alas-7:50 ng gabi.

Nabatid sa nakasaksi sa insidente, apat na beses nagpaputok ng baril si Barber at sa huling pagpapaputok nito ay doon tinamaan si Aliwalas na noon ay tumatawid sa New York Avenue.

Nakakulong ngayon si Barber sa QCPD Station 10 at nahaharap sa mga reklamong frustrated murder, illegal possession of firearms, alarm and scandal at resisting arrest. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?