170

Sep 20, 2019 @ 12:49
By

Lola sa Quezon nilapa ng mga aso

Nakitang walang malay at duguan sa Quezon ang lola na si Natividad Juarez matapos pagkakagatin umano ng mga aso.

Ayon sa GMA News, agad siyang isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City ng mga nakakita, kung saan binakunahan ito kontra rabies.

Sabi ng lola, hindi na niya matandaan kung paano siya napadpad ng Quezon gayong galing ito nang Camarines Sur.

Ang natatandaan umano niya, higit dalawang aso ang kumagat sa kanya.

Sa ngayon, maayos na ang kalagayan ni Juarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?