67

Jul 20, 2021 @ 21:46
By

Lola sa Ormoc palaban sa pag-dive sa dagat

Kinagiliwan online ang “wonder lola” mula sa Ormoc City dahil sa edad niyang 88-anyos ay yakang-yaka niya ang pag-dive sa dagat.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Maricris Samson Angelio, apo ni Lola Remedios, makikita na tsini-cheer ng kanyang mga apo ang una, “Go Lola!”, “Go Lola!” habang pasayaw-sayaw pa at nakatayo ang matanda sa pier.

Maya-maya pa ay game na tumalon at sumisid sa dagat si Lola Remedios.

Noong bata pa raw ay swimmer na si Lola Remedios dahil nakatira ang kanyang pamilya malapit sa dagat.

 

https://www.facebook.com/maricris.angelio/videos/830797397569012/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?