46

Mar 2, 2020 @ 16:06
By

Lola sa Daraga, Albay edad 100 na

Dilaw ang namayaning kulay sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng isang lola sa Daraga, Albay.

Marso 1, 1920 pinanganak si Lola Emeteria “Emay” Millenia Milallos ng Barangay Gapo, ayon sa ABS-CBN News. Meron siyang siyam na anak, 27 apo, at hindi mabilang na apo sa tuhod.

Edad 100 na siya kahapon, Marso 1, 2020.

Sabi ni Lola Emay, ang pagkain ng maraming gulay ang rason sa mahaba niyang buhay.

Nakatanggap si lola ng certificate of recognition at P20,000 mula sa lokal na gobyerno dahil 100 anyos na ito.

P50,000 naman ang kanyang makakamit mula sa provincial government ng Albay at P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,