76

Apr 17, 2020 @ 15:37
By

Lola patay sa sunog sa Maynila

Namatay ang 70-anyos na lola sa sunog na sumiklab sa isang tatlong palapag na residential building sa Sta. Ana, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, umabot sa unang alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-11:48 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Helen Alvarez.

Nagsimula umano ang sunog sa unit ng mister ng biktima na si Ariston Alvarez.

Agad namang nakontrol ng mga awtoridad ang sunog at hindi na kumalat pa.

Samantala, inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?