61

By

Lola ni Darren Espanto nabigla sa pelikula ng KathNiel

Sharing is caring!

Binitbit ni Darren Espanto ang kanyang lola (not mentioned kung saan side) sa isang undisclosed theater kung saan palabas ang pelikulang ‘The Hows Of Us’ nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nu’ng September 6.

This is Darren’s introductory movie kung saan gumaganap siya bilang Yohan, younger brother ni George played by Kathryn.

Sa post ng 17-year old Fil-Canadian singer sa kanyang personal at verified Twitter account, sabi ni Darren “Brought my grandma to watch ‘The Hows Of Us’ today. Sobrang nagulat siya nung nakita ako. [‘BAKIT ANDIYAN KA’??]

Patuloy ng Twitter shout out ni Darren, “When Yohan cried, she cried as well. Binatukan niya pa ako ng ilang beses kasi tuwang tuwa siya. Wish my other grand ma also got to see where I am now.”

Sa short clip- na posted din sa social media- na kuha ni Darren after watching the film, tinanong ng ‘The Voice Kids Philippines’ finalist kung anong masasabi ng kanyang lola sa pelikula.

Ani ng grandma ni Darren, “Nagugulat ako kapag ikaw na pino-focus.” Na sinundan ni Darren ng tanong kung maganda ‘yung napanood na pelikula. Wika nito, “Maganda ‘yung istorya niya!” Tanging “wow” lang ang naisukli ni Darren sa kanyang lola.

As of posting, meron nang 12K plus likes at mahigit 2K retweets ito post ng award-winning singer.

Nasa second week na rin ngayon ang ‘The Hows Of Us’ na dinerehe ni Cathy Garcia- Molina at produced ng Star Cinema at patuloy pa rin itong pinipilahan sa mga sinehan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?