86

Nov 9, 2017 @ 17:06
By

Lola napikon, kelot tinarakan sa dibdib

Nagdilim na ang kanyang paningin at sa kabila ng kanyang edad, nagawang patayin ng isang lola ang isang lalaki sa kanilang pagtatalo sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Nagawa pa ng 68-anyos na si Erlinda Cainoy, ng Purok 4, Barangay BF, na tumakas ngunit dahil sa sundot ng konsensiya ay sumuko na rin ito sa mga tanod sa barangay outpost.

Samantala, isang saksak sa dibdib ang agad na ikinamatay ng 55-anyos na biktima na si Loreto Sebastian, residente rin ng lugar.

Nagtatalo ang dalawa nang bigla na lang sinaksak ni Cainoy si Sebastian.

Nabatid na matagal nang may alitan ang dalawa at hinihinala na napundi na ang suspek kaya’t nagawa nitong saksakin ang biktima. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?