550

Jan 25, 2021 @ 16:47
By

Lola na ‘namatay’ sa COVID-19, umuwi ng bahay

Na-shock ang pamilya ng isang 85-anyos na babae nang bigla na lamang itong sumulpot dahil alam nila ay pumanaw na ito sa coronavirus disease.

Sinabihan na kasi ang pamilya ni Rogelia Blanco na pumanaw na ito noong January 13 at nailibing na pero makalipas ang siyam na araw ay nagpakita ito, ayon sa WION website report.

Dahil sa ipinatutupad na protocol laban sa pagkalat ng COVID-19, hindi pinayagan ang pamilya na dumalo sa libing ni Blanco.

Pero noong Sabado, umuwi si Blanco sa bahay nila sa Xove sa Spain at nang makita siya ng kanyang asawang si Ramon ay hindi nito napigilan na mapahagulgol.

“I could not believe it. I was crying, after the death of my wife,” sabi umano ni Ramon.

Lumabas sa imbestigasyon na isang babaeng nag-share ng kanyang kuwarto kay Blanco ang yumao.

Nangyari umano ang pagkakamali matapos ilang residente, kabilang si Blanco, ang na-test na positibo sa virus at dinala sa iba’t ibang care home noong Disyembre 29. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?