38

Apr 18, 2021 @ 10:21
By

Lola mula Tagaytay nag-donate sa Maginhawa community pantry

Isang senior citizen galing Tagaytay City, Cavite ang nag-alay ng mga prinodyus niyang iba’t ibang klase ng gulay sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.

Ang nasabing lola, sa ulat ng dzBB, ay bumiyahe sakay ng kotse at nag-donate sa pantry ng mga gulay na mula pa sa kanyang farm.

Nagsulputan ang mga “community pantry” matapos simulan ni Ana Patricia Non ang nasabing inisyatiba sa Maginhawa Street sa QC para aniya may pantawid-gutom ang mga nangangailangang Pinoy habang may pandemya.

Ang prinsipyo ay may mga libreng pagkain, gamot, at iba pang gamit na nakalagay sa nasabing pantry, tapos depende na sa tao kung gaano karami ang kanyang kukuhain o gaano karami ang kaya niyang i-donate.

Napaulat na meron na ring mga community pantry sa Maynila, Bulacan, Rizal, at Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?