30
jail4
By

Lola kulong sa panunuhol ng pulis

Sharing is caring!

Isang matandang babae ang inaresto ng pulisya matapos nitong tangkang suhulan ang isang desk officer upang palayain umano ang anak nitong nakulong dahil sa ipinagbabawal na gamot kagabi.

Alas-otso ng gabi nang magtungo sa himpilan ng Caloocan City Police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek na si Soraida Gamuranao, 65, kasama ang kanyang apo na isang taon pa lang.

May bitbit umanong puting paper bag ang suspek na naglalaman ng P50,000 cash at inabot ito sa desk officer na naka-duty kapalit umano ang kalayaan ng kanyang anak na nakulong kamakailan dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Agad siyang pinosasan ng sinusuhulang pulis at kinasuhan ng paglabag sa Revised Penal Code o corruption of public officials.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell ang naturang lola. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?