9

Feb 8, 2021 @ 16:39
By

Lola inararo ng trak sa Capiz, todas

Nasawi ang isang lola matapos mabangga ng isang pickup truck sa Sapian, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Generoza Lumbo, 94-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang suspek sa minamanehong sasakyan dahil sa bilis ng takbo nito na naging sanhi para tumilapon ang lola na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Ayon sa ulat, hawak na ng mga awtoridad ang hindi pinangalanang suspek at nakatakdang maharap sa mga karampatang parusa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?