12

By

Lola hindi nakuntento sa paglalabada, timbog sa pagtutulak ng droga

Sharing is caring!

Dahil umano sa malakas ang kita sa pagbebenta ng iligal na droga, sinapalaran ng isang 68-anyos na lola ang kanyang buhay.

Kasama siyang dinampot sa 13 katao sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Malate, Maynila.

Depensa ng lola, ginawa lamang niya ito para may pampakain sa anim niyang apo.

Aniya, hindi sapat ang kita niya sa paglalabada at mas malaki daw ang kita sa pagtutulak ng droga.

Naging sentro ng operasyon ang F. Munoz, Zobel, at P. Ocampo Streets kung saan marami umanong street level pushers at users.

Kakasuhan ang mga nahuli ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?