64

Jul 28, 2021 @ 15:39
By

‘Lola Flora’ 80-anyos na

Ginunita ng beteranang aktres na si Susan Roces ang kanyang ika-80 kaarawan ngayong Hulyo 28.

Kaya naman isa sa mga unang bumati ay ang kanyang nag-iisang anak na si Senadora Grace Poe.

“Eighty and as beautiful and feisty as ever. To the Queen of Philippine Movies, Lola Kap ng Bayan, and an inspiration for your grit and resilience, happy birthday! I love you, Mom!” saad ng senadora sa kanyang Instagram post.

Ang senadora ay adopted child ni Roces at ng yumaong asawang si Fernando Poe Jr.

Sa kabila ng edad ay patuloy ang trabaho ni Roces sa telebisyon at parte pa rin ng long-running teleserye na ‘Ang Probinsyano’ bilang si Lola Flora.

Taong 1952 pa nagsimula ang karera ni Roces sa showbiz sa pelikulang ‘Mga Bituin ng Kinabukasan.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?