25

Jul 11, 2021 @ 12:01
By

Lola dinapuan ng 2 COVID variant, todas

Natuklasan ng mga health expert na posible ang double infection mula sa magkaibang variant ng COVID-19 matapos mahawaan ng dalawang beses ang isang 90-anyos na babae.

Ayon sa report ng BBC, isang lola mula Belgium ang nasawi noong March 2021, kung saan nakita sa katawan nito na dinapuan siya ng Alpha at Beta variant.

Tingin ng mga eksperto, posibleng galing sa magkahiwalay na tao ang COVID-19 variant na nakuha ng senior citizen.

“Both these variants were circulating in Belgium at the time, so it is likely that the lady was co-infected with different viruses from two different people. Unfortunately, we don’t know how she became infected,” saad ni lead researcher Dr. Anne Vankeerberghen.

Noong Enero ngayong taon, may natuklasan na rin parehong kaso sa Brazil kung saan dalawang tao ang nagpositibo rin sa dalawang klase ng coronavirus.

Sa Portugal naman, isang 17-anyos ang nahawaan ng ibang variant habang nagpapagaling pa sa ibang type ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?