16
Carwash boy
By

Lola at lolo lumutang sa tubig- baha sa QC

Sharing is caring!

Dahil sa walang tigil at tila galit na galit na pagbuhos ng ulan na may kasamang malakas na hangin dala ng tropical storm ‘Karding’, natagpuang patay ang isang lolo at lola matapos na malunod umano sa tubig-baha sa magkahiwalay ng lugar sa Quezon City.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Gloria Borlongan Mendoza, 61-anyos, buyuda, na nakatira sa No. 104 Capitol Hills, Old Balara, QC, at Gregorio U. Quilaton, 55-anyos, mekaniko ng EEI Corporation at residente ng Kapayapaan Village, Karangalan, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO1 Morshid D. Tanog ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuan ng isang nakilalang Feliciano Tavero ang bangkay ng Lola dakong alas-3:45 ng hapon sa PV Kalaw Tierra Pura Homes, Brgy Culiat, QC, sa tabi ng isang metal pipe na nakalubog sa tubig-baha.
.
Ang biktima ay may malaking sugat sa noo at mga sugat sa katawan na hinhinalang napatid sa tubo na nakalubog sa baha.

Ayon report, dakong alas-3:00 ng hapon habang kasagsagan ng malakas na ulan at baha na ang buong paligid ng Brgy. Old Balara ay nakitang tumatawid sa Sapang Kangkong ang nasabing lola.

Kaugnay nito, natagpuan naman ang bangkay ni Quilaton na sinasabing inagos din sa biglang pagtaas ng tubig baha sa Sto. Domingo Avenue kanto ng Samat St., Brgy Sto. Domingo dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Ang bangkay ni Quilaton ay natagpuan ng isang nakilalang Jhonel De Juan nang bumaba at humupa ang tubig-baha sa lugar.

Nabatid na halos umabot na sa beywang ang baha sa nasabing lugar at dahil sa malakas na agos ng tubig ay posible umanong hindi nakayanan ng matandang lalaki ang ‘current’ at tinangay ito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?