101
arrested
Nov 5, 2017 @ 12:50

Lola, 3 pa tiklo sa P6-M shabu sa Naga City

Dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit ang 60-anyos na lola at tatlong iba pa dahil sa pagbitbit diumano ng shabu na nagkakahalaga ng P 6 milyon.

Nakilala ang mga suspek na sina Olivia Encinas, 60, San Pedro, Laguna; Rodi Gundo, 34, Tipas, Taguig City; Joel Saut, 35, ng Amadeo, Cavite; at Alvin Andaya, 37, of Amadeo, Cavite.

Sabi ng PDEA, naaresto ang mga suspek habang lulan ng isang taxi sa kahabaan ng Almeda Highway bandang alas-8:00 ng gabi noong Sabado.

Nakumpiska sa mga suspek ang maraming plastic packs ng tinatayang isang kilo ng shabu na may street value na P6 milyon.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?