8
shabu1
By

Lola, 2 kasabwat, kalaboso sa droga

Sharing is caring!

Kulungan ang kinasadlakan ng tatlo katao kabilang na ang isang 62-anyos na lola matapos mahulihan ng shabu sa Tondo, Manila.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang mga operatiba ng Raxabago-Tondo Police Station 1, namataan ang mga suspek na may kahina-hinalang kinikilos.

Nang sitahin ng mga rumorondang pulis sa pangunguna ni PO2 Marvin Valenzuela, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na hindi pa mabatid ang halaga.

Kinilala ang tatlong naaresto na sina Gina Sangcad, 62, vendor; Edwin Del Prado, 38, sidecar driver; at Joven Naciolado, 32, walang trabaho.

Kasalukuyan nang nakapiit sa Raxabago-Tondo jail facility ang mga naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?