13

Jan 13, 2021 @ 15:50
By

Lola, 2 apo natusta sa sunog

Patay matapos ma-trap sa sunog ang isang 75-anyos na babae at dalawang apo niya sa Barangay Lapnit sa Ildefonso, Bulacan.

Sa ulat, kinilala ang mga biktimang sina Zenaida Peraña, 75; Donalyn Pacunla De Guzman, 12; at Zafae Celedonio, 6.

Ayon sa mga arson investigator, natagpuang magkakayakap sa loob ng banyo ang natustang mga biktima sa sunog noong Lunes.

Ini-report na sanhi ng sunog ang mga sirang kable.

Samantala, sinabi ni Mayor Carla Galvez-Tan na sasagutin na niya ang gastusin sa libing ng mga biktima

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?