150

Apr 19, 2020 @ 11:44
By

Lokdown extension posible dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 – Bong Go

Inamin ni Senator Bong Go na mahirap ang sitwasyon ng mga Filipino ngayon dahil ipit na ipit sa kinahaharap na krisis dulot ng COVID -19.

Nabatid na kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health expert bukas.

Nakasalalay kasi dito ang buhay,paglain,ekonomiya at medisina.

Marami umanong lumalapit na nag-aalok ng medisina ngunit dapat na sigurado at hindi ito basta dapat inumin.

Kaya paulit-ulit na nakikiusap si Go at Pangulong Duterte na manatili sa bahay dahil mahirap ang contact tracing.

Sinabi ni Go na very crucial ang nalalabing 11 araw at puwedeng ma-extend pa ito kung hindi bababa ang kaso ng COVID -19 o puwede rin i modify ang bockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?