344

Mar 21, 2020 @ 22:53
By

Loisa, Ronnie ‘di napaghiwalay ng lockdown

Sa kani-kanilang Instagram post ay nabuking na magkasama pala sa iisang bubong sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ngayong may community lockdown sa bansa.

“Stay at home!!!!! Keep safe everyone,” post ni Loisa kung saan makikitang nakalublob sila ni Ronnie sa swimming pool.

Gayundin ang makikita sa post ni Ronnie, na may caption na “Kasiyahan!”

Napa-sana all naman ang kanilang mga follower sa inggit sa mga love birds.

Hindi rin maalis na pagpantasyahan ng mga fan ang dalawa dahil kitang-kita ang abs ni Ronnie, samantalang si Loisa naman ay kita pa rin ang kurba ng katawan kahit naka-shorts lang at mala-sports bra na swimsuit.

Hindi nga napaghiwalay ng lockdown ang dalawa, ‘di gaya ng ibang love team na mas piniling mag-stay sa kani-kanilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?