155

Mar 31, 2020 @ 14:29
By

Loisa magpapaka-daring matapos ang quarantine?

Habang naka-quarantine pa ang lahat, mas maraming time ngayon ang mga celebrity na makipag Q and A sa kanilang mga fan via social media.

Gaya ni Loisa Andalio na game na game makipagtsikahan sa mga fan basta’t tatanungin siya sa pamamagitan ng #AskLoisa.

Talagang ganado sumagot ang aktres, nagugulat pa ang mga fan sa mga hindi inaasahang sagot ni Loisa!

Isa sa mga tanong sa kanya ay kung ano kaya ang plano nito sa kanyang birthday ngayo’t nalalapit na ito pero pakiramdam ng karamihan ay mai-extend pa ang quarantine o lockdown.

April 14 inaasahang matapos ang community quarantine, samantala, April 21 naman ang ika-21 na kaarawan ng aktres pero ayon kasi sa estado na patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19, mukhang malabo pang matapos ang lockdown sa itinakdang araw.

Kaya ang aktres, undecided pa raw kung paano niya nais ipagdiwang ang kanyang kaarawan. “Depende pa sa sitwasyon,” ani Loisa.

Sa tanong naman kung balak ba nitong ituloy na mag-vlog, yes na yes naman ito para sa aktres basa’t matapos lang daw ang lahat ng mga nakakalokang kaganapan sa mundo.

Napansin din ng mga fan ang pagpayat ng aktres sa mga litratong inu-upload nito, kaya tinanong siya kung bakit siya pumapayat, sumagot naman ang aktres na talagang sadya raw siyang nagpapa-payat. “Pag 6PM, hindi na po ako nakain,” tugon ng aktres.

Pero heto nga, ang pinaka hindi inaasahan ng mga netizen ay ang sagot nito sa tanong na ready na ba siya sa mga mas mature na role. “Abangan niyo po. (wink emoji)” simple pero nakakaintrigang sagot ng aktres.

So tingin ng mga fan, magkakaroon ng pasabog si Loisa after ng outbreak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?