593

By

Loisa hiyang-hiya sa nagawa niya kay Dingdong

Gusto umano ni Loisa Andalio na magtago sa sobrang kahihiyan kay Dingdong Dantes.

Sa tweet ni Loisa noong February 1, ibinahagi nito ang clip kung saan makikita ang aksidenteng pagkaka-holding hands niya kay Dingdong imbes na sa nobyo niyang si Ronnie Alonte.

Katabi kasi ng mga oras na iyon ni Ronnie si Dingdong sa naganap sa thanksgiving party ng “Fantastica” kamakailan.

Magkakasama sa cast ng “Fantastica” sina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong, Loisa, Ronnie at iba pang bigating artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?