94

Jan 12, 2021 @ 21:20
By

Loisa Andalio natural ang beauty

Itinanggi ni Loisa Andalio na gumanda siya sa tulong ng plastic surgery.

Ayon kay Loisa, kailanman ay hindi niya pinangarap na sumailalim sa pagpaparetoke dahil ayaw niyang mabago ang itsura niya.

Wala rin naman daw siyang nakikita na kailangang i-enhance sa sarili niya.

Pinagmalaki rin ng aktres na nagkaroon siya ng fit body dahil sa pagda-diet.

Dineklara iyon ni Loisa sa bagong episode ng YouTube vlog nila ng partner na si Ronnie Alonte.

“Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga,” sagot ni Loisa sa isang basher na nagsabing retokadang-retokada ang itsura niya.

“Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko. Okay lang i-enhance. Hindi ako (against) dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance… wow, lakas! Dati gusto ko magpapayat, lipo. ‘Di ba uso ‘yun dati. Dinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na hindi ko pala kailangan. Kaya naman pala,” dagdag niya.

Nakapasok si Loisa sa showbiz sa pagsali sa “Pinoy Big Brother” noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?