40

May 8, 2021 @ 17:03

Logan igaganti utol kay Floyd

BAGO ang bakbakan sa Hunyo 6, nagkaroon na ng initan ang kampo nina Floyd Mayweather Jr. at ng Logan Brothers.

Sa Hard Rock Stadium kung saan nagkita ang dalawang kampo, umeksena si Jake at kinuha ang suot ng baseball cap ni Floyd.

‘Di nagustuhan ni Floyd ang ginawa ni Jake kaya hinabol niya ito at sinabing papatayin.

Ang kapatid naman ni Jake na si Logan ay hindi rin natuwa sa nangyari.

Banat nito, “that sh*t is not funny. It’s not fun for anyone.”

Pero sinabi rin nito na mas ginanahan siya sa harapan nila ni Floyd sa Hunyo. Ito aniya ang “craziest fuck*ng evening” sa kasaysayan ng combat sports.

Pagtatapos ni Logan, “we’re gonna get you back.” (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?