47

Dec 6, 2017 @ 12:48

‘Lodi’ singers ka-duet ni Eminem sa bagong album

Makalipas ang apat na taon, may bagong album na ilalabas ang top-selling rapper na si Eminem.

Ang target release date ng bago nitong album na ‘Revival’ ay sa Disyembre 15, ayon sa AFP.

Pang-siyam na ito sa mga studio album ni Eminem na nagtatampok din sa iba’t ibang singer.

Kamakailan lang ay nagpatikim na ang rapper ng first single niya sa album na ‘Walk on Water’ kasama si Beyonce.

Kasama ni Eminem sa ‘Revival’ album ang mga sikat din na mang-aawit gaya nina Skylar Grey, Kehlani, Alicia Keys, Pink at Ed Sheeran, kabilang din ang American rock band na X Ambassadors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?