211

Mar 25, 2021 @ 12:04
By

Locsin sa pagtakbo ni Pacquiao: Pinoy pride, pero huwag iboto

Bilib si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga ambag ni Senador Manny Pacquiao sa bansa, ngunit hindi ito sapat para iluklok siya bilang Pangulo.

Sa tweet ni Locsin, sinabi nito na mabait at mapagkakatiwalaan si Pacquiao, at hindi rin matatawaran ang mga ginawa nito bilang Pinoy sa boxing ring.

Ngunit ayon kay Locsin, hindi dapat iboto ang ‘Pambansang Kamao’.

“Yes but he is a good and honest man in every fibre of his being; kindness personified in the man who gave our country the greatest honor since EDSA ’86: he made us proud again to be Filipino,” lahad ng kalihim.

“Don’t vote for but honor him.”

Tugon iyan ni Locsin sa patama ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio na kulang sa competence si Pacquiao para maging Pangulo ng Pilipinas.

Ani Carpio, na tinayo ang bagong koalisyon na 1Sambayan, hitik ng absent si Pacquiao noong kongresista pa lamang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?