50

Mar 22, 2021 @ 19:52
By

Locsin sa bashers ni Kris: Mga duwag, bopols

Pinagtanggol ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Kris Aquino laban sa mga troll at blogger na sinasabing binayaran upang atakehin ang dalawang anak niya.

Pinuri rin ni Locsin ang “Queen of All Media” sa pagiging “gold” at “brave” hindi katulad ng mga basher na mga duwag at “nobodies”.

“You are gold Kris and brave unlike your detractors who are cowards, none of them have ever been in firefights like you and I. I can tell real fighters from make believe. But don’t be so upset. They are nobodies in every sense,” tweet ni Locsin noong Linggo.


Nitong Lunes ay muling nag-tweet si Locsin at sinabing mga “total idiots” ang mga kritiko ni Kris.

“She (Kris) has more brains than all her critics combined but then that’s very faint praise because they are total idiots plus social nobodies,” aniya.


Noong Linggo ay nag-post si Kris ng video kung saan sinagot niya ang iba’t ibang isyu kabilang na ang mga pambabalahura sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Sinasabing nakabuntis umano si Josh habang inaasar si Bimby ng pagiging bakla.

“In just one week, OA sa pagka-malicious ang pagtarget sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla ‘yung bunso, titiklop na ‘yung nanay,” bahagi ng naging pahayag ni Kris sa 25-minutong video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?